Eto ang umpisa ng kabaliwan ko. Oo baliw ako, pero hindi sa estado na dadalhin na ako sa Mandaluyong sa loob at tatalian ang kamay (malapit lang ako sa manda).
Masasabi mong baliw ako sa mga susunod na araw dahil sa mga content ng blog ko (kung may iba pa akong maisip bukod sa unang blog ko na to).
So ano ba ang ilalagay ko sa blog na to? Well kung di mo pa gets anak ng tinapa naman tingnan mo ulit kung ano ang pangalan ng blog ko — Pinoy Money. O ayan alam mo na? Pera brad, pera! Oo tungkol sa pera kasi mukhang pera ako (joke lang).
Bakit tungkol sa pera?
Kasi eto yung bagay na mahalaga na halos di naman lagi napapag-usapan. Mapag-usapan man ninyo ng mga barkada mo or ng pamilya mo ang ending eh malabo parin, parang sweet siya sayo pera sweet din siya sa iba o diba ang labo.
SA MGA NAGSASABI NA HINDI MAHALAGA ANG PERA, BRAD BUHAY KA NGAYON DAHIL BUMILI KA NG PAGKAIN GAMIT ANG PERA.
Ayan patapos na tong unang blog ko at kung ayaw mo pag usapan natin yung tungkol sa pera wag ka mag – alala di ko lang to sinulat para sayo.
P.S.
HINDI ETO NETWORKING NA SISIGAW KA NG POWER. WALA AKONG BINEBENTA NA GAMOT O BEAUTY PRODUCTS OR KUNG ANO PA. LALONG LALO NA HINDI KITA IIMBITAHAN SA BIRTHDAY NG KAMAG ANAK KO TAPOS DADATNAN MO MGA SUMISISGAW NG POWER OR KUNG ANO PA MAN.
Salamat.
Wala na Finish NA!
Jj
